Lumaktaw sa nilalaman

Tagamasid at Pinagmasdan

Malinaw at madaling maintindihan na kapag sinimulan ng isang tao na obserbahan ang kanyang sarili nang seryoso mula sa pananaw na siya ay hindi Isa kundi Marami, talagang nagsisimula siyang magtrabaho sa lahat ng kanyang pasan.

Sagabal, hadlang, o katitisuran sa gawain ng Pagmamasid sa Sarili nang Lihim ang mga sumusunod na depekto sa sikolohiya: Mitomanya (Delusyon ng Kadakilaan, paniniwalang isa kang Diyos), Eolatria (Paniniwala sa isang Permanenteng AKO; pagsamba sa kahit anong uri ng Alter-Ego), Paranoia (Pagmamarunong, Pagiging Sapat sa Sarili, kayabangan, paniniwalang hindi nagkakamali, mistikal na pagmamataas, taong hindi marunong tumingin sa pananaw ng iba).

Kapag ipinagpatuloy ang walang katuturang paniniwala na ikaw ay Isa, na nagtataglay ka ng isang permanenteng AKO, nagiging higit pa sa imposible ang seryosong pagtatrabaho sa sarili. Sinumang palaging naniniwalang siya ay Isa, ay hindi kailanman magagawang humiwalay sa kanyang sariling mga hindi kanais-nais na elemento. Ituturing niya ang bawat pag-iisip, damdamin, pagnanasa, emosyon, hilig, pagmamahal, atbp., atbp., atbp., bilang iba’t ibang, hindi mababago, na mga functionalism ng kanyang sariling kalikasan at magbibigay pa ng katwiran sa iba sa pagsasabing ang mga ganito o ganireng personal na depekto ay namamana…

Sinumang tumatanggap sa Doktrina ng Maraming AKO, nauunawaan batay sa pagmamasid na ang bawat pagnanasa, pag-iisip, pagkilos, hilig, atbp., ay tumutugma sa iba’t ibang AKO, naiiba… Sinumang atleta ng Pagmamasid sa Sarili nang Lihim, ay nagtatrabaho nang seryoso sa loob ng kanyang sarili at nagsusumikap na alisin sa kanyang pag-iisip ang iba’t ibang hindi kanais-nais na elemento na kanyang pasan…

Kung ang isang tao ay tunay at taimtim na nagsimulang obserbahan ang kanyang sarili sa panloob, hahatiin siya sa dalawa: Tagamasid at Minamasdan. Kung ang gayong paghahati ay hindi mangyayari, maliwanag na hindi tayo kailanman susulong sa kahanga-hangang Daan ng Pagkilala sa Sarili. Paano natin mapagmamasdan ang ating sarili kung nagkakamali tayo sa hindi paghahati sa pagitan ng Tagamasid at Minamasdan?

Kung ang gayong paghahati ay hindi nangyayari, malinaw na hindi tayo kailanman susulong sa daan ng Pagkilala sa Sarili. Walang alinlangan, kapag ang paghahating ito ay hindi nagaganap, patuloy tayong nakikilala sa lahat ng proseso ng Pluralisadong AKO… Sinumang nakikilala sa iba’t ibang proseso ng Pluralisadong AKO, ay palaging biktima ng mga pangyayari.

Paano mababago ang mga pangyayari ng isang taong hindi kilala ang kanyang sarili? Paano makikilala ang kanyang sarili ng isang taong hindi kailanman nagmasid sa kanyang sarili sa panloob? Sa anong paraan maaaring obserbahan ng isang tao ang kanyang sarili kung hindi siya muna hahatiin sa Tagamasid at Minamasdan?

Ngayon, walang sinuman ang maaaring magsimulang magbago nang radikal hangga’t hindi niya kayang sabihin: “Ang pagnanasang ito ay isang hayop na AKO na dapat kong alisin”; “ang makasariling pag-iisip na ito ay isa pang AKO na nagpapahirap sa akin at kailangan kong buwagin”; “ang damdaming ito na sumusugat sa aking puso ay isang mapanghimasok na AKO na kailangan kong gawing alikabok sa kalawakan”; atbp., atbp., atbp. Natural, imposible ito para sa isang taong hindi kailanman nahati sa pagitan ng Tagamasid at Minamasdan.

Sinumang kumukuha sa lahat ng kanyang sikolohikal na proseso bilang mga functionalism ng isang Isang, Indibidwal at Permanenteng AKO, ay labis na nakikilala sa lahat ng kanyang mga pagkakamali, labis niyang idinidikit ang mga ito sa kanyang sarili, na dahil dito ay nawala na niya ang kakayahang paghiwalayin ang mga ito sa kanyang pag-iisip. Malinaw, ang mga taong tulad nito ay hindi kailanman maaaring magbago nang radikal, sila ay mga taong hinatulan sa pinakamasidhing pagkabigo.